Game Cheats Hack Code

Narito ang mga tala ng buhay ng mga Tanyag na Pinoy

Rocreh Web Design

February 17, 2010

ang rocreh web design ay tanyag dahil sa mga hamon nito sa mga estudyante ng rocreh college. Nais ng rocreh web design na mging determindo ang mga estudyante sa pag boblogging o pag susulat ng mga artikula na maaaring pagkakakitaan ng pera sa hinaharap. Ang rocreh web design ay isang magandang hamon sa ating kasipagan at di madaling padadaig sa mga hamon ng buhay. Isa rin itong magandang oportunidad upang lalu pa nating mapaghusay ang pag propromote ng website sa labas at loob man ng bansa. Ang rocreh web design ay isa ring espasyo upang gawing experimentuhan ang ibat-ibang technique sa pag SEO

Ang Rocreh web design ay bahagi ng IT day ng Rocreh College na ipinagdiriwant taon taon. Ngayon nga sa ikalimang celebrasyon ng IT day ay mas lumawak pa ng mga bahagi nito. Nagkaron ng ibat ibang patimpalak kasama na rito ang Rocreh web design na panangunahan ng Sir. Bleu. Napatunayan na ng ibang guro sa Rocreh College na ang pag SEO kalakip ng pag boblogging ay isang mabisang paran na dapat matutunan nang mga estudyante ng Rocreh College.

Ang Rocreh College ay pinapakita na todo suporta sila sa rocreh web design, kalakip ang mga guro sa pag momotivate ng mga estudyante. Isa ako sa mga nahuhumaling sa rocreh web design at nandito ako upang ipamahagi sa inyo ang ibat-ibang paraan upang lalu pang mahasa ang iyong mga kasanayan gamit ang rocreh web design.

Posted by tanyag at 5:14 pm | permalink | comments[76]

Tanyag na Pinoy

February 11, 2010

Ang tanyag na pinoy o mas kilalang sa tawag na sikat ang pinoy ay malapit ng ilusad matapos ang dalawang buwang pag papalaganap ng mga kahusayan at kakaibang aking galing ng mga Pinoy. Kung babalik tanaw ang sikat ang pinoy ay isang news portal na naglalayon na magbigay pugay sa mga Pinoy . Hatid din nila ang mga pinakasariwang balita na maaaring i-access sa internet. Layunin din ng Sikat ang Pinoy na makatulong sa mga biktima ng bagyong Ondoy.

Ngayon nga sa sikat ang pinoy ay hatid nila ang balita mula sa mga laganap.com - Apat na pinoy na maswerte natunghayang gumawa ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagkakataon ng maging bahagi ng 2010 Olympic Torch relay para sa Winter Game.Sina Lani Mino at Richer Guinto ay galing sa team ng Vancouver Aquarium na parehong napilina tumakbo sa Oktubre sa maagang bahagi ng torch run. Samantalang si Ferdinand “Macoy” Lagadi ay kumatawan namna sa Royal Bank ng Canada. Para sa buong balita.

Ibig pangunahan ng sikat ang pinoy ang malawakang pagpapalaganap sa katanyagan ng Pinoy na dapat kilalanin sa buong mundo. Ganun din ang pagnanais ng tanyag na sumapi sa sikat ang pinoy para sa isang misyon na pagpapalaganap kung saan dapat nating ipagmalaki ng tayo’y Pinoy.

Posted by tanyag at 8:22 am | permalink | comments[131]

Tanyag na Rocreh Web Design at Sikat ang Pinoy Nagpaligsahan

January 30, 2010

Kamakailan lang ay nagpakitang gilas ang Sikat ang Pinoy sa pangunguna at pag bibigay pugay sa mga dakilang pinoy na bagbigay sa atin ng karangglan. Ang sikat ang pinoy ay laganap din sa pagbibigay tulong sa mga biktima ng bagyong Ondoy nang kung sa maaalala nio at siyang sumira sa maraming ari-arian sa Pilipinas. Ang sikat ang pinoy din ay nagbibiggay balita din local man o sa panlabas na napagkakaalaman nang kasikatan ng Pinoy.

Sa isang banda ang Rocreh Web Design ay isang companyang maka Pinoy sa kanilang pag de-design ng mga website. Sila ay nag ooper ng pinakamababang halaga ng servisyo subalit mataas ng kalidad. Ang Rocreh Web Design ay katulad din ng sikat ang pinoy na ibig ipagmalaki ang kagalingan ng Pinoy sa buong mundo. Naniniwala ang mga taga Rocreh Web Design na ang Pilipino ay mas sariling kakayahang hindi makikitaan sa ibang uri ng lahi. 

Ang dalawang kompanya ay masugid na nagpapaligsahan kung sino ang mas sikat at mas kikilalanin ng mga pinoy pag dating sa pag popromote at pag bibigay imporamsyon ukol sa mga Pinoy. Silang dalawa ay naniniwalang ang mga Pinoy ay lilok sa pinaka mataas na uri ng nilalang dito sa mundo. may angking galing at di kelanman susuko sa anumang hamon ng buhay.

Posted by tanyag at 1:38 pm | permalink | comments[75]

Talambuhay ng Sikat na Pinoy | Francisco Baltazar

January 29, 2010

Mula noong nabasa ko ang Florante at Laura nang nasa ikalawang taong ako sa highschool ay naging interasado na ako sa sisne ng panginay na si Francisco Baltazar. Kaya naman dito sa munti kong latha ay nais kong bigyang puwang ang talambuhay ni Francisco Baltazar. Ito ay mula sa Wikipedia.tl sana ay inyong maibigan.

Si Baltazar ay ipinanganak sa Panginay, Bigaa, Bulacan noong 2 Abril 1788. Ang kaniyang mga magulang ay sina Juana dela Cruz at Juan Balagtas na isang panday. Siya ay may palayaw na Kiko at may tatlong kapatid: sina Felipe, Concha, at Nicholasa.

Matapos na makapag-aral ng katekismo, nagtungo siya Tondo noong 1799 upang manilbihan sa kanyang tiyahin na si Doña Trinidad, na siyang nagpaaral sa kanya sa Colegio de San Juan de Letran at sa Colegio de San Jose. Nagpakadalubhasa sa mga kursong Latin, Español, humanidades, at batas, si Baltazar ay nakapagtapos pag-aaral noong 1812. Malaki ang naging impluwensiya ni Jose dela Cruz (o Huseng Sisiw), kilalang makata mula Tondo at magaling na guro ni Baltazar, sa kanyang pagsusulat ng mga tula, awit, at moro-moro.

Noong 1835, sa edad na 47, si Baltazar ay nagtungo sa Pandacan, Lungsod Maynila at dito nakilala niya si Maria Asuncion Rivera. Umibig siya kay Maria ngunit naging mahigpit na karibal niya ang isang mayamang cacique na si Mariano Capule. Ginamit ni Capule ang kanyang yaman at impluwensiya upang maipakulong si Baltazar. Pinaniniwalaang isinulat niya ang kanyang pinakamahusay na akda, ang Florante at Laura, sa loob ng piitan.

Nang makalaya siya noong 1838, siya ay nagtungo sa Balanga, Bataan upang maging kalihim ng isang hukom. Nakilala niya ang mayaman at mestisang si Juana Tiambeng na siyang nagtustos sa paglalathala ng Florante at Laura sa palimbagan ng Kolehiyo de Santo Tomas. Sinasabing sa bayan ng Orion, Bataan, sumapi si Baltazar sa isang lihim na pangkat ng mga rebelde na lumalaban para sa kasarinlan. Bagamat isang Bulakenyo, si Baltazar ay nakahugot ng inspirasyon sa Bataan upang sumulat ng mga pinakamahuhusay na literatura.

Taong 1849 ng simulan niyang gamitin ang apelyidong Baltazar, matapos na ipag-utos ni Gob. Hen. Narciso Claveria sa mga Pilipino na gumamit ng apelyidong Español o Tagalog mula sa isang listahan.

Sa ikalawang pagkakataon ay nakulong si Baltazar nang akusahan siya ng paggupit ng buhok ng kaniyang kasambahay. Ipinagbili ni Baltazar ang kanilang lupain at nagbayad ng malaking halaga upang makalaya. Dahil dito, naghirap ang kanyang pamilya. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga awitin at moro-moro hanggang sa kanyang kamatayan noong 20 Pebrero 1862 sa edad na 74. Ipinagbilin niya sa kanyang mga apo na iwasang maging makata’t manunulat upang hindi sila maghirap.

Isa rin itong dahilang kung bakit sikat ang pinoy pagdating sa mga tula dahil na din sa ama ng Balagtasan na si Francisco Baltazar. Kaya hinhingkayat ko ang mga Pinoy na magbalik tanaw tayo sa mga umukit ng kasaysayan dito Pilipinas.

Posted by tanyag at 8:58 am | permalink | comments[276]

Tanyag na si Wesley So Isasabak muli!

January 28, 2010

 Ang tanyag na batang Pinoy na manlalaro ng ahedres o chess na si Wesley So ay muli na namang sumabak sa siGM Wesley So, 16 y.o.a sa mga prestihiyosong palaro.Siya ay sikat na na-qualify na pumasok at maging isa sa mga kalahok ng Corus Chess ngayong taon na kung saan marami sa mga popular na chess grandmasters ang kasalipagkatapos na siya ay magpakitang galing noong kasagkasagan ng Wordl Cup Chess 2009. Ang nabanbangit na chess tournament ay nagsimula noon ika-15 ng Enero at magtatapos sa ika-31 ng nasabing buwan.

Ginaganap ang taunang chess tournament na ito sa bansang Wijk aan Ze, Netherlands at may tatlong iba-ibang kategorya. So ay naglalaro ngayon sa category-B at maaring umusog sa category-A sa susunod na taon kung sakaling makuha niya ang unang puwesto sa nasabing palaro. Ang nasabing ulat ay mula sa Balita Ngayon

Posted by tanyag at 9:16 am | permalink | comments[100]

Maikling Talambuhay ni President Corazon Cory Aquino

January 26, 2010

Narito ang maikling talambuhay nang sikat na Pinoy na si President Corazon Cory Aquino.

Si Corazon Aquino ay pinanganak noong January 25, 1933. Siya ay naging Presidente ng Pilipinas at sikat na tagapagtanggol ng demokrasya, kapayapaan, karapatang pambabae at kabanalan. Naglingkod sya bilang ika 11 na presidente ng Pilipinas mula 1986 hanggang 1992. Sya rin ang kauna-unahang babaeng president ng Pilipinas at ng buong Asya. Namatay sya dahil sa colon cancer noong August 1, 2009.

Ipinanganak si Corazon Cojuangco sa isang mayaman na pamilya sa probinsya ng Tarlac. Nagaral sya ng kolehiyo sa St. Vincent College sa New York City noong 1954 pero hindi na sya nagpatuloy sa pag-aaral para magpakasal sa kanyang kasintahan na si Benigno Simeon Aquino, Jr, na noon ay aktibo na sa politika. Nagkaroon ng limang anak si Ninoy at Cory. Si Ninoy, na naging aktibo sa paglaban kay Ferdinand Marcos, ay ikinulong ni Marcos sa loob ng walong taon (1972 hanggang 1980). Noong ma-exile si Ninoy, sumama ang kanyang pamilya sa kanya sa United States. Pagbalik ni Ninoy noong 1983, sya at pinatay at ito ang nagpasimula ng pagbagsak ng administrasyong Marcos.

Noong magdeklara ng eleksiyon para sa presidente si Ferdinand Marcos noong February 1986, si Corazon Aquino ang naging opisyal na kandidato ng oposisyon. Inilabas ang resulta ng eleksyon kalaunan at pinroklamang natalo si Cory ni Marcos. Pero ito ay nilabanan ng oposisyon at sinabi na may nangyaring malawakang dayaan sa eleksyon. Pumanig ang mataas na myembro ng militar sa kampo ni Cory at eto na ang nagpasimula ng Edsa Revolution. Noong Feb. 25, 1986, sabay na pinroklamang presidente si Cory at Marcos. Pero sa araw ding iyo ay lumipad na palabas ng Pilipinas ang kampo ni Marcos.

Sanay ay inyong malugod na naunawaan ang maikling tala ng buhay ng ating Corazon Aquino. 

Posted by tanyag at 3:34 pm | permalink | comments[259]

Tanyag na Simbahan ng Sta. Monica

January 7, 2010

Unang beses akong napadaan sa Panay at gayon lamang ang aking pagkamangha sa aking unang pagsilay sa simbahan ng Sta. Monica sa Panay. Dito din makikita ang pinakamalaking kampana sa buong Asia. Narito ang ilang mga kuha ko sa Sta Monica Parish Church.

    

Posted by tanyag at 4:16 pm | permalink | comments[109]

Talambuhay ng Farmville

January 2, 2010

Ang Farmville ay isinilang ni Zynga. Ito ay isang real-time farm simulation na laro na makikita mo sa social networking website ng Facebook. Ang laro ay pinahihintulutan ang mga myembro ng Facebook na mag manage ng isang virtual farm sa pamamagitan ng pag tatanim, at pag haharvest ng mga stock. Ito ay inilunsad noong Hunyo 2009. Ang Farmvile ay ang pinakatanyag sa Facebook at Sikat sa Pinoy, na nagtala ng 51.5 milyong aktibong manlalaro noong September 2009. Nandito ang isang picture ng 3D farmville na sadyang pinagkatuwaan dahil sa kanyang katanyagan.

 click the

picture for

better size

Posted by tanyag at 2:28 pm | permalink | comments[71]

Talambuhay ni Gloria Macapagal Arroyo

December 29, 2009

Ang talambuhay na ito ay inihahandog nang Cheat Codes kung saan maraming pang nakatalang lathain ukol sa mga kapanapanabik na buhay.

 Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat at kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.

Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada. kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunladat sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto dahil sa mapayapang demonstrasyon sa EDSA, at kagyat nanumpa si Gloria Arroyo bilang pangulo noong Enero 20, 2001. Nahalal siyang muli ng anim na taon pa at nanumpa sa tungkulin noong Hunyo 30, 2004.

Si Pangulong Arroyo ay isinilang na Maria Gloria Macaraeg Macapagal ng pulitikong Diosdado Macapagal, at ng kanyang asawa, Evangelina Macaraeg Macapagal. Siya ay kapatid ni Dr. Diosdado “Boboy” Macapagal, Jr. at Cielo Macapagal-Salgado. Nanirahan siya sa Lubao, Pampanga noong unang mga taon niya kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama. Sa edad na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa ina, sa Lungsod ng Iligan. Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati niya ang kanyang oras sa Mindanao at Maynila hanggang sa siya’y maglabing-isang taon. Mahusay siya sa Wikang Ingles, Wikang Tagalog, Kastila at iba pang wika sa Pilipinas.

Noong 1961, nang si Gloria ay 14 pa lamang, ay nahalal bilang pangulo ang kanyang ama. Siya at ang kanyang pamilya ay lumipat sa Palasyo ng Malakanyang sa Maynila. Isang bayan ang ipinangalan sa kanya, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption Convent, kung saan ay nakapagtapos siya bilang Valedictorian noong 1964.

Noong 1961, nang si Gloria ay 14 na taon gulang pa lamang, ang kanyang ama ay nahalal na pangulo ng Pilipinas. Lumipat siya kasama ang kanyang pamilya sa Malakanyang sa Maynila. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption College at nakapagtapos na valedictorian noong 1964. Pagkatapos ay nag-aral si Gloria ng dalawang taon sa Walsh School of Foreign Service ng Georgetown University sa Washington, D.C. na kung saan ay naging kamag-aral niya noon ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton at napanatili ang pangalan nito sa talaan ng Dekano. [3] Nakuha niya ang kanyang Batsilyer sa Arte sa Ekonomiks mula sa Assumption College, na kapagtapos na magna cum laude noong 1968.

Noong 1968, napangasawa ni Gloria ang isang abugado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo na tubong Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya nang siya ay nasa kanyang kabataan pa lamang. [1] Sila ay may tatlong anak, sina Juan Miguel (1969), Evangelina Lourdes (1971), at si Diosdado Ignacio Jose Maria (1974). Ipinagpatuloy ni Gloria ang kanyang pag-aaral at nakuha ang Master na degree sa Ekonomiks mula Ateneo de Manila noong 1978 at ang Doctoratena degree sa EKonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1985. [4] Mula 1977 hanggang 1987, humawak siya ng mga posisyon sa pagtuturo sa iba’t ibang mga paaralan, gaya ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila.

Noong 1987, siya ay inanyayahan ni Pangulong Corazon Aquino na lahukan ang pamahalaan bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Siya ay napromote bilang undersecretary pagkatapos ng dalawng taon.
Pangalawang Pangulo

Kinunsidera ni Arroyo na tumakbo bilang pangulo noong pambansang halalang 1998 subalit naimpluwensyahan ni Pangulong Fidel V. Ramos, at pinuno ng ng partido ng administrasyon Lakas-Christian Muslim Democrats na imbes na pangulo ay maging pangalawang pangulo na lamang at ng kandidatong si Ispiker Jose de Venecia, Jr. Nanalo si Arroyo bilang pangawalang pangulo na may malayong agwat, na nakakuha ng higit doble sa sumunod nitong katunggali, ang kandidatong pangawalang pangulo ni Estrada, si Edgardo Angara.

Nagsimula ang termino ni Arroyo bilang Pangalawang Pangulo noong Hunyo 30, 1998, Siya ay tinalaga ni Estrada na maging Kalihim ng Kagawaran ng Pangangalagang Panlipunan at Pagpapaunlad.

Nagbitiw si Arroyo sa gabinete noong Oktubre 2000, upang ilayo ang kanyang sarili mula kay Estrada, na inakusahan ng korupsyon ng kanyang dating tagasuporta sa pulitika na si Chavit Singson, Punong lalawigan ng Ilocos Sur.  Noong una ay hindi pa nagsasalita si Arroyo laban kay Estrada, subalit dahil sa mga kaalyado nito, ay sumalina rin ito sa panawagang magbitiw si Estrada sa pwesto.

Noong Enero 20, 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pulitikal at malawakang pag-aaklas, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante ang posisyon ng pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una nang inalis ang suporta para kay Estrada, Noong kinahapunan din nang araw na iyon, ay nanumpa si Arryo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom Hilario Davide, Jr.

Matapos ang ilang linggo, Nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng batayang legal ng pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling pangulo ayon sa batas, ngunit dinagdag niya na hindi niya kukunin muli ang kanyang posisyon.[8]. Noong Marso 2, 2001, ang Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas ay nagpalabas ng desisyon na nagsasabing si Estrada ay nagbitiw sa pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang pwest.

Posted by tanyag at 2:26 pm | permalink | comments[167]

Talambuhay ni Jose Rizal

December 27, 2009

Mahalagang malaman natin ang patungkol sa buhay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Ang talambuhay ni Jose Rizal ay laging pinapag-aralan ng mga bawat mag-aaral dito sa ating bansa. Mula Elementary, sa mataas na paaralan and hanggang sa colehiyo ay nababanggit pa rin siya dahil sa kanyang pinakitang pagtanggol sa ating bayan mula sa kanyang pagsusulat.

 Ang Buhay ni Jose Rizal  ay tunay namang napakagaling at punung-puno ng mga mabubuting ehemplo. Ang Pambansang Bayani o National Hero ng bansang Pilipinas ay nagbibigay ng karangalan sa mga Tagalog at sa lahat ng mga Filipino.

 Ang buong pangalan ni Jose Rizal ay José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Ipinanganak siya noong Hunyo 19, 1861 (June 19, 1861). Tinagurian siyang isang polymath, ibig sabihin ay matalino sa napakaraming mga bagay. Isa rin siyang nasyonalista at naging kritiko ng pamahalaang Espanya noong panahon ng kolonyalismo. Inilathala niya ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang ipalaganap ang tunay na kalagayan ng bansa. Ito rin ang dahilan kung bakit siya binihag at hinatulan ng kamatayan noong 1896. Dahil dito, naging martir siya ng Pambansang Rebolusyon sa pangunguna nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.

 Si Jose Rizal ay ikapito sa labing-isang magkakapatid. Nanirahan sa bayan ng Calamba, Laguna ang kanilang pamilya. Hanggang ngayon ay makikita pa ring nakatayo ang kanilang bahay subalit napakaluma na nito. Nag-aral si Jose Rizal sa Ateneo Municipal de Manila at Dalubhasa sa Liberal Arts ang kanyang tinapos. Pagkatapos nito, nag-aral siya ng Medisina, Pilosopiya at Literatura sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkalipas ng ilang panahon ay nagtungo siya sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Medisina. Kumuha siya uli ng pagkadoktor sa Unibersidad ng Heidelberg sa Alemanya. Nakapagtataka man ngunit marunong si Rizal ng siyam na wika.

Ang isa sa kanyang mga isunulat ay kanyang mga novela “El Filibusterismo” at “Noli Me Tangere” ang mga novelang ito patungkol sa pauusig, pagkukupkop at kung anu-ano pang mga bagay bagay na sa pamamagitan ng mga aklat na ito na siyang nagbuslid sa kapayapan ng ating bayan. Kung ating babasahin ang talambuhay ni jose rizal ito ay napakalaking aral sa atin na matutunan lalo na sa kanyang mga nagawa at natapos mula pa noong siya’y nag-aaral iba’t ibang dako ng mundo.

Naniwala si Rizal sa mapayapang pagsulong ng nasyonalismo kung kaya itinayo niya ang La Liga Filipina, isang uri ng kooperatiba at organisasyong sibika. Di kalaunan, ito ay naging Katipunan sa pangunguna nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Ayaw man ni Rizal sa madugong Rebolusyon, ang pagkamatay niya sa Bagumbayan sa Maynila ang nagsilbing mitsa ng Rebolusyong Filipino.

Hanggang sa kasalukuyan, ang buhay ni Rizal ay pinag-aaralan pa rin sa mga unibersidad at mataas na paaralan saan man sa Pilipinas. Gayundin, ang kanyang bantayog ay makikita sa plaza ng bawat bayan sa buong Pilipinas. Ito ay bilang pagkilala sa mga dakilang bagay na iniambag niya sa bansa.

Ang Talambuhay ni Jose Rizal ay hindi basta basta makalilimutan ng mga Filipino. Ito ay bahagi na ng kasaysayan at ang Buhay ni Jose Rizal ay patuloy na nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa napakaraming mga Filipino.

Posted by tanyag at 10:37 am | permalink | comments[382]

Talambuhay ni Manny Pacquiao

December 26, 2009

Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilalang Manny Pacquiao ay ipinanganak noon ika-17 ng Disyember, 1978 sa Kibawe, Bukidnon. Isang Pilipinong boksengero na namayagpag sa WBC International Super Featherweight champion. Isa rin syang lumipas na world champion sa IBF Super Bantamweight, and WBC Flyweight divisions. Mayroon syang naitalang 45 na panalo, 3 talo, at 2 patas,na may 35 panalo buhay sa knockout.

Sinimulan ni Pacquiao ang kanyang karera noong 1995 sa bigat na 106 pounds sa edad na 16. Ang kanyang mga naunang laban ay karaniwang ginaganap sa mga maliliit lamang na darausan. Ang kanyang unang propesyonal na laban ay kay Edmund Ignacio nuong ika-22 ng Enero, 1995 buhat sa isang panalong paghatol.

Nag dagdag pa sya ng timbang mula 106 patungong 113 pounds bago siya matalo laban kay Rustico Torrecampo buhat sa teknikal na knockout.

Kinailangang depensahan ni Pacquiao ng apat na beses ang kanyang laban bago maituring na kanyang karera, laban the Mehikanong bosingerong si Marco Antonio Barrera. Mula sa unang laban nya sa featherweight division ay tinalo niya si Barrera sa isang TKO.

Sa laban na ginanap sa Taguig City, Si Pacquiao ay lumaban kay Fahsan (2K-Gas Battery) Por Thawatchai. Na agad naming tila ni Pacquiao sa ika-apat na round.

Si Pacquiao ay muli na namang nagtaas ng timbang mula 126 patungong 130 pounds upang malabanan ang Mehikanong boksingero na si Erik Morales noong March 19, 2005 sa MGM Grand. Ngunit sa di inaasahang pang aayari ay natalo siya sa superfeatherweight division sa pamamagitan ng unanimous decision ng mga hurado.

At sa muling pag lalaban nila ni Erik Morales noong ika-21 ng Enero, 2006 ay tinalo nya ito sa pamamagitan ng TKO sa Las Vegas.

Sa pag tatapos ng taong 2006, siya ay pinangaralan ng HBO at Ring Magazine bilang fighter of the year.

Sa Ring magazine, Si Pacquiao ay nanatili paring nasa tuktok ng junior lightweight division at pangalawa sa pound-for-pound ng pinangungunahan ni Floyd Mayweather.

Mga titolo ni Manny Pacquiao:

* WBC world flyweight champion

* IBF world super bantamweight champion

* WBC world super featherweight champion

* WBC world lightweight champion

* OPBF flyweight champion

* WBC international super bantamweight champion

* WBC international super featherweight champion

* IBO world light welterweight champion

* World featherweight champion

* World super featherweight champion

* World light welterweight champion

* World flyweight champion

* World featherweight champion

* World junior lightweight champion

* World junior welterweight champion

Posted by tanyag at 11:38 am | permalink | comments[153]

Hanapin

Sponsored Links

Tungkol

Aking pinapahalagahan mga ka-tanyagang nagawa ng mga Pinoy na siyang hindi mapagkakaila saan mang dako ng mundo. Nabuo ang blog na ito dahil sa aking paniniwala na sikat ang pinoy sa isip, salita, at maging sa gawa. Higit na hinihingkayat ko din na gawing ang inyong partisipasyon bilang isang tunay na Pilipino. Mabuhay tayo! Ako ay isang masayahing estudyante ng Hercor College Capiz Philippines

rocreh web design

This Rocreh Web Design Seo Competition is known to be the first SEO competition in Hercor College that challenge all the IT Students of Hercor College to aim the top rank position in keyword "Rochen Web Design" My the light be with us!